Header Ads

Sinag Maynila, kalahating dekada na!

Ipinagdiriwang ng Sinag Maynila ang kanilang ikalimang taon ngayong 2019! Ang Sinag Maynila ay ang independent film festival na itinatag nina Solar Entertainment producer Wilson Tieng at Cannes International Film Festival Best Director Brillante Mendoza.



Mula 2014, tinutulungan ng Sinag Maynila ang mga Pinoy indie filmmakers na maihatid ang kanilang mga obra sa mga manonood. Maliban sa cash prizes na incentive para sa mga winning competition films, naipalalabas ang mga napipiling entries sa mga sinehan sa mga malalaking mall at sa mga microcinema. Sa ganitong paraan nailalahad ng mga filmmaker ang kanilang mga kuwento at nabibigyan ang mga manonood ng mga kakaibang mga pelikula.

Ang maglalaban-laban sa Sinag Maynila 2019 full-length category ay ang: Akin ang Korona ni direktor Zig Dulay, Jesusa ni direktor Ronald Carballo, Jino To Mari ni direktor Joselito Jay Altarejos, Pailalim ni direktor Daniel Palacio, at Persons of Interest ni direktor Ralston Jover.



Kabilang naman sa short film category ay ang Bisperas ni Ralph Quincena, Dana Jung ni John Rogers, Dude Pare Bro ni Lora Cerdan, Kiss ni Harlene Bautista, Kilos ni Marjon Santos, Marian ni Brian Patrick Lim, Memories of the Rising Sun ni Lawrence Fajardo, Nagmamahal, Sal ni Jeff Subrabas, Ngiti ni Nazareno ni Louie Ignacio, at Panaghoy ni Alvin Baloloy.




Anim ang mga napiling kalahok sa documentary category. Ito ay ang At Home ni Arjanmar H. Rebeta, Entablado niby Lie Rain Clemente at Nori Jane Isturis, Hope Spots ni Joseph Dominic Cruz, Hyatt: Mga Kuwento, Lihim at Katotohanan ni Jayvee V. Bucsit, at Tata Pilo by Dexter Macaraeg.




Magbubukas ang festival sa ika-3 ng Abril. Ang opening film ay ang three-part omnibus film na Lakbayan na idinirek nina Brillante Mendoza, Lav Diaz at National Artist for film Kidlat Tahimik. Pawang mga awardee ng Berlin International Film Festival ang tatlong direktor at lahat sila ay nagkamit ng maraming karangalan sa mga international filmfests. Ang festival proper ay magsisimula sa Huwebes, ika-4 ng Abril sa mga piling sinehan sa Metro Manila (full schedule to follow).

Kaabang-abang din ang ibang mga ganap sa Sinag Maynila 2019: forum sa Abril 6 mula kina
Joanne Goh, Chairman ng Malaysia International Film Festival, at Young-woo Kim, Programmer ng Busan International Film Festival. Meron ding Fellowship Night ang Film Development Council of the Philippines, screening at symposium ng environmental film hatid ng The Plastic Solution, Film Editing Workshop mula sa Edge Manila Creatives, at ang screening ng Journey isang Asian Three-Fold Mirror project ng Japan Foundation, na gaganapin sa April 8 na siya ring petsa ng closing ceremony ng festival. Ang mga magwawagi sa competition ay ibubunyag sa Gabi ng Parangal na gaganapin sa April 7.

Ang Sinag Maynila 5 ay hatid sa inyo ng McDonalds at co-presented ng Nissan. Kasama ang Film Development Council of The Philippines (FDCP), sa pagdiriwang ng isang daan taon ng Pelikulang Pilipino. Espesyal na pasasalamat sa: The Plastic Solution, Cinema 76 Film Society, Black Maria Cinema, Edge Manila Creatives.

At sa opisyal na event venue partner: SM at SM Cinema.

Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa www.sinagmaynila.com at www.facebook.com/SinagMaynila/.

No comments

Powered by Blogger.